top of page

Sa Ngalan ng Ama ng Anak at ng Aking Pangarap...

  • Jerico G. Dacumos
  • Aug 7, 2016
  • 1 min read

Mga oras, mga panahon, akin ngang hahabulin

Gaano man ang hirap, pagod man ay kamtin

Walang magiging hadlang upang aking angkinin

Kung para sa pamilya itong aking tagumpay

Na iyong naiwang sa akin ay nakasalalay...

At nagpaalam na nga si Ama sa lupang sa kanya ay umampon

2013 mga panahong hindi ko napaghandaan

Na kahit sa kaisipan ay hindi ko inakala

Sa sobrang dalamhati'y di ko na kayang magsalita

Isang trahedyang lungkot ang sa aki'y bumalot

Di na inalintana ang sa aking mga mata nga ay nagpaluha

Ni sa huling sandali man lang hindi ko na siya nakita

Sa kanyang piling hindi na nakayanang makauwi pa

Sapagkat noon ay sa salapi ako ay salat.

Sinikap kong maging matatag

Nagpatuloy sa gitna ng habag

Hindi kailanman isusuko ang mga pangarap kong dalahin

Ang pamilyang umaasa ay naiwan sa aking arugain.

Bawat alternatibong pagkakakitaan akin ngang hinanap

Upang ang pamilya ay maiahon ngang ganap.

Nakilala si AIM GLOBAL na siyang nagdugtong ng naputol na lubid ng aking pangarap.

Nagsimulang humabing muli ng mga ambisyon kasama si Inay at mga kapatid kong sa akin ay lumingap.

Sa panalangin at sikap

Unti-unti, mga pangarap ko ay matutupad.

(Ang kwentong ito ay hango sa panulat ng aking kaibigan/mentor na si Sir Fanni Belen na isa sa mga pinaghuhugutan ko ng inspirasyon... Maraming salamat Sir!)


 
 
 

Comments


Featured Posts
Recent Posts
Search By Tags
Archive
Follow Us
  • Facebook Basic Square
  • Twitter Basic Square
  • Google+ Basic Square

Advertisement:

DISCLAIMER:

DISCLAIMER:  The videos and some photos appeared on this site are not owned by this website.  The links are being provided as a convenience and for informational purposes only.  The credit goes to the owners of the videos.  This is not  the official website of ALLIANCE IN MOTION GLOBAL, INC.  

​​​

© 2013 made by f16falcon.  If you want to have your own personalized website, contact me.

bottom of page